Wednesday, October 21, 2009

Dingdong Dantes interview on Pep.ph

Dingdong Dantes understands fans who are turned off by his team-ups with different actresses
October 21, 2009 / Pep.ph

Excerpt:

May isa pang unconfirmed project na gagawin si Dingdong. Pero nasusulat na rin ang pagbibida niya sa pelikulang Andong Agimat na co-production ng Unitel Productions at GMA Films.

Tuloy na ba ang Andong Agimat?

"Tuloy na," pagkumpirma ni Dingdong. "Yun nga, noong malaman kong may plano na for that, nag-panic akong bigla. Kasi nasa Stairway mode pa ko, e. May nag-text nga rin sa akin na nasusulat na nga rin daw."

Ano nga ba ang Andong Agimat?

"Ang Andong Agimat ay isang graphic novel ni Arnold Arre. Pinoy yung author. Tungkol siya sa isang lalake na galing preso. It's a graphic novel na binili ang rights ng Unitel. Recent lang siya at mahirap na siyang hanapin sa bookstores kasi sold out siya palagi. Ako naman, meron akong copy dahil ibinigay lang siya sa akin ng gumawa," kuwento ni Dingdong.

Hindi kaya magkaroon ng isyu dahil ang "Agimat" ay parang na-associate na sa mga Revilla?

"Well, hindi ko alam ang sistema d'yan. Hindi ko alam ang legalities d'yan. But I'm pretty sure, these big companies, like Unitel and GMA, e, hindi sasabak sa hindi sigurado."

Tinanong din ng PEP kay Dingdong ang tungkol sa nasulat na rin na ang leading lady niya sa Stairway To Heaven na si Rhian Ramos pa rin daw ang magiging kapareha niya sa Andong Agimat. Ikinunsidera rin daw si Marian Rivera para sa role ng kanyang leading lady, kaso ay may Darna at Nieves ang aktres.

"Well, ang alam ko, puwede na siya dahil hindi na matutuloy ang Nieves, e," pagbabalita ni Dingdong. "But well, ang Andong kasi, ang love angle dun, very small portion. Kumbaga, naka-focus siya dun sa grupo yun, e... grupo ng magkakaibigan na mabibigyan ng lakas. So, yung love angle is really a small portion. It's only minor."

Read the full article here.

3 comments:

elaine said...

Hi I just want to share this cool Andong Agimat Fanart: http://holyghost13th.deviantart.com/art/Andong-Agimat-152519455

Bien Mabbayad said...

Taragis... dingdong?!

Dapat si Robin! Magwewelga ang mga taga komiks pag hindi si robin ang inilagay! Robin!

o kaya si bebe tatlonghari?

denice said...

ando can never be portrayed with justice by any actor.